Public Safety Office ng PGI, Naglabas ng Abiso Para sa Bambanti Festival 2025

CAUAYAN CITY – Naglabas ng abiso ang Public Safety Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela upang masiguro ang kaayusan ng trapiko kaugnay ng nalalapit na Bambanti Festival 2025.

Ayon sa abiso, pinapayagan ang mga sasakyan na pumasok sa Capitol Compound at Isabela Complex para mag-drop off ng pasahero.

Gayunpaman, tanging mga sasakyang may color-coded pass lamang ang maaaring magparada sa mga itinalagang parking area.


Para sa mga sasakyang walang car pass, may nakalaang parking area sa loob at labas ng Capitol.

Ipinagbabawal ang pagpasok ng mga pampublikong sasakyan (PUV) sa loob ng compound, gayundin ang pagparada sa shoulder ng highway mula sa junction ng Greenheights Subdivision hanggang ISELCO 2.

Dagdag pa rito, apat na pedestrian lane ang maaaring gamitin ng mga dadalo kabilang ang Harap ng Complex ,Queen Isabela Park, DART Rescue 831, at Junction ng Greenheights Subdivision.

Samantala, sa ika-19 ng Enero, pansamantalang isasara ang outer lane ng northbound lane mula Queen Isabela Park hanggang Greenheights Subdivision para sa gaganaping Bambanti Festival 3K Color Fun Run at Bubble Party mula alas tres hanggang alas sais ng hapon.

Facebook Comments