Manila, Philippines – Dinukot ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang public school teacher sa Sulu.
Kinilala ang biktima na si Ibrahim Potong, guro ng Jolo National High School.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana Jr., pauwi na sa kanilang bahay sa bayan ng maimbung si Potong nang dukutin ito ng mga bandido.
Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar para sagipin ang bagong bihag.
Dahil dito, umakyat na sa 32 ang kabuuang bilang ng bihag ng ASG na karamihan ay mga dayuhan.
Facebook Comments