Pinadedeklara sa Supreme Court (SC) ng isang consumer group na unconstitutional ang batas na nagbibigay ng 100% ownership sa mga public utility service.
Sa petition ng United Filipino Consumers and Commuters, partikular na pinadedeklara nilang labag sa Saligang Batas ang Republic Act No. 11659 o mas kilala sa The Public Service Act.
Sa ilalim ng nasabing batas, pinapayagan na mag may-ari ng isang daang porsyento ang mga dayuhan sa larangan ng telecommunication service, airport, wireless broadband, railways, railroad at mga sub-ways.
Base sa itinatakda ng 1987 Constitution, dapat anilang 60% ng kabuuang pagmamay-ari ng isang public utility service ay hawak ng Pilipino habang 40% lamang ang papayagan sa panig ng mga dayuhan.
Facebook Comments