PUBLIC SERVICE | Mga barangay officials na nakatapos ng kanilang termino, maaari ng aplayan ang Barangay Official Eligibility

Manila, Philippines – May pagkakataon pa ang mga barangay officials na nagtapos ang termino na pumasok muli sa government.

Kinakailangan lamang na bago at pagkatapos ng Agosto 1, 2018 ay makapag-apply na ang mga ito ng Barangay Official Eligibility o BOE.

Ayon sa Civil Service Commission (CSC) ang mga Barangay Official Eligibility (BOE) ay ibinibigay sa mga elective barangay officials tulad ng Punong Barangay, mga regular na Sangguniang Barangay members, at Sangguniang Kabataan chairpersons.


Gayundin sa mga appointive barangay officials tulad ng Barangay Treasurers, at Barangay Secretaries na itinalaga ng elected Punong Barangay.

Ang eligibility ay maaaring magamit para sa appointment tungo sa first level positions sa career service, maliban sa mga positions na saklaw ng board laws o para din sa iba pang pangangailangan.

Ang BOE applications ay maaaring isumite sa CSC Regional office o field office na may jurisdiction sa barangay kung saan ang applicant ay nanungkulan.

Facebook Comments