PUBLIC SERVICE | Pinay domestic helper, sasaklolohan ng POLO sa Jeddah

Manila, Philippines – Makaraang lumapit sa RMN DZXL Manila at RMN Pagadian ang pamilya ng domestic helper na minamaltrato ng kanyang amo sa Saudi Arabia, Pinay domestic helper – sasaklolohan na ng POLO sa Jeddah.

Agad tumugon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ni Zaidel Herman Maquinto, domestic helper na minamaltrato ng kanyang amo sa Saudi Arabia.

Sa eksklusibong pakikipag-ugnayan ng RMN DZXL Manila kay Marissa Cruz, Advocacy and Social Marketing Division ng OWWA, sinabi niyang naipaabot na sa Philippine Overseas Labor Office (POLO-Jeddah) ang kaso ni Zaidel.


Ayon kay Cruz, nakausap na din ng POLO-Jeddah ang Foreign Recruitment Agency ni Zaidel para ipull- out agad ang Pinay domestic helper.

Aniya, kapag nakuha na si Zaidel sa kanyang amo ay mananatili muna siya sa POLO-Jeddah habang hinihintay ang pagproseso ng kanyang exit visa pabalik ng Pilipinas.

Una rito sa exclusive interview ng programang Centro Serbisyo sa Hapon ng RMN DZXL Manila sa kapatid ni Zaidel na si nanay Juella Tundaan nanawagan siya sa Duterte Administration na tulungan na makauwi ang kaniyang kapatid na binubugbog ng kanyang amo.
Kwento ni nanay Juella, nag-post na ang kaniyang kapatid sa facebook na sumusuka ng dugo at ilang araw ng hindi makabangon.

Facebook Comments