WAGI | Iran, panalo sa World Cup Opener dahil sa score mula sa kalaban

Tila doble ang naging pagkatalo ng Morocco sa laban nito kontra Iran sa World Cup Opener na ginanap sa St. Petersburg, noong Biyernes.

Ito ay makaraang manalo ang Iran, dahil sa score na ginawa ni Morocco Player Aziz Bouhaddouz, matapos niyang sipain ang last-second ball papunta sa sarili nilang net.

Malaki ang panghihinayang ng Morocco, dahil maganda ang opensiba na kanilang ipinakita sa laro, kung saan mas maraming beses na muntik na silang magtagumpay na maipasok ang bola sa net ng kalaban.


Matapos tumunog ang whistle na nagsi-signal na tapos na ang laro, hindi rin malaman ng Iran kung dapat ba silang magdiwang sa paraan ng kanilang pagkapanalo.

Ito ang kauna-unahang laro na naipanalo ng Iran sa World Cup Finals mula noong 1998.

Facebook Comments