Public Shaming, paraan ng Pangulo para mailabas ang galit sa korapsyon – Palasyo

Iginiit ng Malacañang na pinapahiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno dahil paraan niya ito para mailabas ang kanyang galit sa korapsyon sa gobyerno.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos bumaba sa dalawang pwesto ang Pilipinas sa global corruption index para sa taong 2020 ng Transparency International.

Ang Pilipinas ay ika-115 mula sa 180 bansa pagdating sa anti-corruption efforts.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang paglalabas ng pangalan ng mga opisyal na sabit sa mga iregularidad ay bahagi ng pinaigting na anti-corruption drive ng Pangulo.

Bukod dito, nagtatrabaho rin ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Office of the Ombudsman para labanan ang korapsyon sa pamahalaan.

Matatandaang binabasa ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People Addresses ang listahan ng mga government officials na nasuspinde o na-dismiss dahil sa iba’t ibang paglabag.

Facebook Comments