Public shaming sa mga kandidatong sangkot sa vote buying, ipinanukala ng isang election watchdog

Nanawagan ang isang election watchdog sa Commission on Elections (Comelec) na lantarang sitahin ang mga kandidato na nagsasagawa ng vote buying.

Kasunod na rin ito ng babala ng Comelec laban sa vote buying maging sa social media kabilang na ang mga pa-raffle at anumang uri ng assistance.

Ayon kay Prof. Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya, dapat na magsagawa ang Comelec ng public shaming laban sa mga namimili ng boto para tuluyang mawala o mabawasan man lang ang insidente ng vote buying tuwing panahon ng eleksyon.


Gayunman, aminado si Arao na mahirap patunayan ang vote buying dahil sa tinatawag na “plausible deniability.”

Facebook Comments