Publiko, binalaan ng FDA sa hindi rehistradong eye drops

Nagbabala ang Food and Drug Administration sa paggamit ng hindi rehistradong eye drops na nabibili via online.

 

Ayon sa FDA, walang kasiguraduhan kung ligtas na gamitin ang Hyssop mineral drops lalo na’t wala din itong certificate of product registration.

 

Maaari din daw magka-problema ang mga mata ng gagamit nito dahil hindi din dumaan sa evaluation process ang nasabing produkto.


 

Ipinanawagan din ng FDA sa Bureau of Customs na siguraduhing hindi makakapasok ng bansa ang hyssop kung saan nakikipag-ugnayan naman sila sa kaakibat na ahensiya maging sa lokal na pamahalaan para bantayan kung naibebenta ito sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

 

Sakali naman may makitang nagbebenta nito sa merkado, maaaring tumawag sa Center For Drug Regulation and Research sa telephone numbet na 802-5596 o kaya ay mag-email sa report@fda.gov.ph.

Facebook Comments