Publiko, binalaan ng PSA hinggil sa mga nagpapanggap na mga PhilSys Enumerators

Nagbabala sa publiko ang Philippine Statistics Authority (PSA) laban sa ilang indibidwal na nagsasagawa ng house-to-house visit para makakuha ng personal information at nagpapanggap na Philippine Identification System (PhilSys) Enumerators.

Ayon kay PSA Region 11 Officer-in-Charge Pepito Amoyen, ang mga Enumerator ang magtatanong lang ng 10 pangunahing impormasyon mula sa head of the family.

Kabilang sa mga itinatanong ng PhilSys Enumerators ang pangalan, kapanganakan, address, pangalan ng mga miyembro ng pamilya, pinagkakakitaan at iba pang katanungan na para malaman kung sino ang kwalipikadong tumanggap ng mga benepisyo mula sa gobyerno.


Ang paalala ni Amoyen ay bunsod ng mga ulat na maraming residente ang nagda-dalawang isip na magbigay ng mga kinakailangang impormasyon dahil sa kanilang seguridad.

Matatandaang nagsimula na ang pre-registration para sa PhilSys noong Oktubre at ang actual registration ay sa darating na Nobyembre 25, 2020.

Facebook Comments