Binalaan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko hinggil sa mga casino financing na nag-aalok ng malaking tubo.
Ayon sa SEC, hindi rehistradio sa kanilang ahensiya ang mga kumpaniya na casino VIP financing, fortune dragon at financing international na naghihikayat sa publiko na ipuhunan ang kanilang pera kung saan tutubo daw ito ng lima hanggang pitong porsyento.
Sinabi ng SEC na dapat ay magdalawang-isip ang publiko sa inaaalok na tubo ng tatlong kumpaniya lalo na’t mas malaki pa ito sa inaalok ng mga bangko na wala pa sa isang porsyento.
Napag-alaman na ang perang ipupuhunan ay gagamitn daw umano sa pautang sa pamamagitan ng isang otorisadong agent at financier na nagta-trabaho para sa mga junkets ng casino.
Paalala ng SEC na walang permit bilang mga korporasyon o partnership ang mga nabanggit na financing offices at hindi maaaring mag-alok ng mga investment securities.
Pagmumultahin naman ng limang milyung piso o kaya ay ikukulong ng 21 taon ang sinumang mag-aahente sa tatlong kumpaniya.
Sakali naman makatanggap ng impormasyon hinggil sa operasyon ng mga ito o kaya ay maka-encounter ng ganitong uri ng investment scam, maaaring tawagan ang Enforcement and and Investor Protection deparment ng SEC sa numerong 8818-6047.