
Pinaalalahanan ni House Committee on Information and Communication Technology chairman at Navotas representative Toby Tiangco ang publiko na mas maging alerto at mag-ingat laban sa iba’t ibang uri ng panloloko na gumagamit ng Artificial Intelligence o AI.
Nakakalungkot para kay Tiangco na habang umaangat ang ating teknolohiya, ay nagiging high tech na rin ang mga scammer.
Binanggit ni Tiangco na madaming manloloko ang gumagamit ng video call kung saan mukhang totoong tao ang kausap pero AI-generated pala ang mukha at boses.
Payo pa ni Tiangco sa lahat, huwag basta-basta maniwala sa ipinapakitang resibo ng transaksyon, at palaging mag-double check, mag-validate, dahil kayang-kaya na ngayong gumawa ng pekeng slip gamit ang AI.
Babala naman ni Tiangco sa mga patuloy na nagsasagawa ng scam o mga panloloko, may naka-ambang parusa sa kanila na pagkakulong ng mula 12 hanggang 20 taon dahil sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act, Anti-Financial Scamming Act.









