Publiko, dapat ibayuhin ang pag-iingat dahil sa Delta variant – DOH

Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa publiko na mas maging maingat pa ngayong nagbabadyang kumalat sa bansa ang mas nakakahawang Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalagang sundin pa rin ng lahat ng health protocols dahil highly transmissible ang naturang COVID-19 variant.

Lumalabas sa mga ebidensya na 43 hanggang 90% itong mas nakakahawa kumpara sa Alpha variant.


Ang taong mayroong Delta variant ay kayang makahawa ng hanggang walong tao.

Hindi inaalis ni Vergeire ang posibilidad na mayroong undetected cases ng Delta variant.

Samantala, umaasa si Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose de Grano na hindi na magdulot ng mas maraming moderate, severe, at critical COVID-19 cases ang Delta variant.

Facebook Comments