Publiko, dapat igalang ang pasya ng PET – Panelo

Nararapat lamang na igalang ng publiko ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang electoral protest ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nanaig ang rule of law at due process sa naging pasya ng kataas-taasang hukuman.

Aniya, nabigyan ng oportunidad ang magkabilang panig na iprisenta ang kanilang mga kaso at nagbaba ng pasya ang Korte Suprema.


Mahalagang irespeto ng mga tao, maging ng natalong kampo ang unanimous decision ng Presidential Electoral Tribunal.

Hinimok ni Panelo ang publiko na buwag maging bulag sa personal biases ng isang kandidato.

Aniya, mayroon pa namang susunod na halalan para makuha ang suporta ng mga tao.

Facebook Comments