Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha tuwing tag-init.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, III, karaniwan sa mga maaaring maranasan ang dehydration, partikular na sa mga senior citizen.
Dahil dito, palagi aniyang umiinom ng tubig, iwasan ang sobrang exposure sa init ng araw dahil sa posibilidad na heat stroke o heat exhaustion gayundin ang sunburn.
Sinabi pa ni Duque na siguraduhin na malinis ang tubig na ating iniinom para makaiwas sa ibang sakit gaya ng typhoid, cholera, hepatitis A at iba pa.
March 16, Miyerkules nang ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-init o dry season sa Pilipinas.
Facebook Comments