Halos 600 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Sumampa na sa 3, 672, 661 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 598 na bagong kaso.

Umabot naman sa 3,569,387 ang total recoveries habang nasa 45,394 ang aktibong kaso.


Nasa 57,880 naman ang kabuhang nasawi dahil sa COVID.

Sa ngayon, 24.64 percent mula sa 3,701 na Intensive Care Unit (ICU) ang naggamit sa bansa habang nasa 22.04 percent naman sa isolation beds at 13.66 percent ward beds.

Facebook Comments