Publiko, dapat maging alerto at mapagmatiyag – Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na maging mapagmatiyag sa paligid laban sa extremism na problema, hindi lang ng bansa kundi ng buong mundo.
Ito ng sinabi ni Pangulong Duterte sa harap narin ng pagkakapatay ng pamahalaan sa mga lider ng Maute – ISIS sa Marawi City na naghuyat ng pagtatapos ng bakbakan doon.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi malayong mangyari ang paghihiganti sa panig ng mga terorista kaya kailangang maging handa ang lahat laban sa anomang posibilidad dahil talagang delikado ang mundong ating ginagalawan ngayon.
Inamin din ni Pangulong Duterte na maging siya ay natatakot sa banta ng mga lone wolf attack tulad ng mga nangyari sa ibang bansa.
Matatandaan na sinabi ni National Capital Region Police office Chief, Police Director Oscar Albayalde na sa ngayon ay wala naman silang nakikitang banta mula sa terrorist group pero mayroon aniya silang minamanmanang mga indibidwal.

Facebook Comments