Publiko, dapat masanay sa ‘new normal’ – DOH

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na masanay sa “new normal” sa gitna ng pagpapaluwag ng restrictions simula ngayong araw.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bagama’t niluwagan ang restrictions ay hindi pa rin maaaring bumalik ang lahat sa buhay na kanilang nakagawian bago ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sinabi ni Vergeire na binago ng COVID-19 ang pamumuhay ng mga tao, maging kanilang perspektibo sa buhay.


Aniya, mananatili ang ‘new normal’ hanggang sa mayroong matuklasang gamot o bakuna laban sa COVID-19.

Sa huling datos ng DOH, umabot na sa 12,091 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 2,460 ang gumaling habang nasa 806 ang namatay.

Facebook Comments