Publiko, dapat sundin ang COVID-19 second dose schedule

Hinikayat ng isang infectious disease expert ang publiko na huwag nang i-antala ang pagbabakuna ng second dose ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Department of Health (DOH) Technical Advisory Group member Dr. Edsel Salvana, importanteng on time ang pagbabakuna para makamit ang full protection nito mula sa sakit.

Pero sinabi ni Salvana na walang negatibong epekto sa katawan ng tao kung hindi sila nakasipot sa kanilang second dose schedule.


Aniya, mayroong tinatawag na “catch up vaccination” pero mahalagang sundin na lamang ang schedule para agad silang maprotektahan.

Una nang iniulat ng DOH na nasa 113,000 individuals ang hindi agad nakakuha ng kanilang second doses sa tamang oras.

Ang dahilan ay nagkasakit, na-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19, o sumailalim sa quarantine.

Facebook Comments