Publiko, hindi dapat maging kampante makaraang magbukas na rin ang iba pang industriya

Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na huwag maging kampante dahil nananatili pa rin ang COVID-19.

Panawagan ito ni Go sa mamamayan makaraang magbukas na rin ang iba pang industriya sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Kinabibilangan ito ng gyms, tutorial centers, grooming centers, internet cafes drive-in cinemas, at iba pa.


Paliwanag ni Go, tuloy-tuloy ang buhay ng mga tao at marami ang may kailangan ng kabuhayan at trabaho kaya unti-unting pinapayagang buksan ang mga negosyo.

Pero giit ni Go, kasabay nito ay dapat sikapin ng lahat na huwag mahawa ng virus upang hindi na makadagdag pa sa pasanin ng ating health care system at para hindi tuluyang umapaw ang health facilities.

Hiling ni Go sa lahat, pairalin ang kooperasyon o mahigpit na pagsunod sa health protocols at pagmamalasakit sa kapwa para makatulong na mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments