Publiko, hindi dapat matakot sa bakuna – eksperto

Hinikayat ng isang eksperto ang publiko na huwag dapat matakot sa mga bakuna lalo na at epektibo itong panlaban sa anumang sakit.

Ito ang pahayag ng Dr. Charles Yu kasabay ng nakatakdang mass vaccination rollout sa susunod na buwan.

Ayon kay Dr. Yu, mahalagang magkaisa ang lahat para sa ikabubuti ng bansa.


Lahat aniya ng bakuna ay sumailalim sa mahigpit na criteria.

Dapat lamang na pagkatiwalaan ang mga bakuna dahil ligtas at epektibo ang mga ito.

Ang bakuna na aniya ang magiging malaking tagumpay sa pagpuksa sa sakit.

Ang mga alinlangan sa pagpapabakuna o mas tinatawag na anti-vaccination o “anti-vax” ay kailangang matugunan para magtagumpay ang vaccination program ng gobyerno.

Hindi dapat ginagawang overall indicator ang efficacy rate ng mga bakuna para matiyak na mabisa ito.

Si Yu ay kasalukuyang Vice Chancellor for Research sa De La Salle Health Sciences Institute.

Facebook Comments