Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko lalo na ang mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19 na huwag magpakampante kasunod ng ulat na nagkaroon ng re-infection sa Hong Kong.
Natukoy ng Hong Kong researchers ang “unang confirmed case” ng COVID-19 re-infection.
Sa statement, sinabi ng DOH na babantayan nila ang kaso at ang mga inilalabas na scientific details.
Pinayuhan ng kagawaran ang publiko na manatling alerto at patuloy na sumunod sa minimum health standards para maiwasang madapuan ng sakit.
Batay sa pag-aaral ng Hong Kong, isang 33-anyos na lalaking residente ang dumaan sa kanilang mandatory screening pagbalik nito mula sa Europe at nagpositibo siya sa PCR swab test.
Lumalabas na ang lalaki ay gumaling na sa COVID-19 infection higit apat na buwang nakalipas at posibleng nagkaroon siya ng pansamantalang immunity mula sa sakit.