Hinihikayat ng isang vaccine expert ang publiko na magpaturok na ng booster kontra COVID-19 sa gitna ng banta ng Omicron variant.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert panel chairperson Dr. Nina Gloriani, malaki ang tsansang kumalat ng Omicron variant sa mga lugar na mababa ang vaccination rate.
Inihayag naman ng World Health Organization na maaari pa ring tumalab ang mga naunang nagawang bakuna laban sa Omicron.
Sa ngayon, wala pang kumpletong ebidensya sa epekto ng panibagong variant sa bansa.
December 3, 2021 nang aprubahan ng Department of Health ang pagtuturok ng booster shot sa mga edad 18 pataas.
Facebook Comments