Manila, Philippines – Hinihikayat ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mga private sector na umiwas sa pakikipagtrasaksyon at pakikipagsabwatan sa mga fixer.
Ito ang sinabi ni ARTA Director General Jeremiah Belgica sa ika-99 na araw nitong panunungkulan sa ARTA.
Ayon kay Belgica, sakanila dapat lumalapit ang mga private sector tuwing nakakaranas ng pagka-delay sa proseso ng kanilang mga papeles, dahil sila aniya ang tatayong fixer laban sa mga tanggapan ng pamahalaan na nangi-ipit ng kanilang mga dokumento.
Kaugnay nito, nakatakdang ilungsad ng ARTA sa 2020 ang National Effort on the Harmonization of Efficiency Measures and Interrelated Agency o Project NEHEMIA.
Layon nito na gawing synchronize o tugma ang practice ng mga ahensya ng pamahalaan na kapareho ang serbisyong ibinibigay sa publiko.