Manila, Philippines – Umaasa ang Presidential Anti-Corruption Commission o PACC na hindi magdadalawang isip ang publiko na idulog ang kanilang hinaing at reklamo sa inilunsad nilang Katarungan desk sa mga terminal ng LRT, MRT at PNR.
Ang Katarungan desk ay inilunsad upang maging “one-stop-shop” ng lahat ng sumbong hinggil sa corruption, peace and order, at iba pang public-related complaints laban sa mga pasaway sa gobyerno.
Mayroon din itong dulugan form at drop box na maaaring hulugan ng reports ng ilan natin mga kababayan na iniipit, ginigipit at biktima ng katiwalian at krimen.
May mga pulis na gagabay sa bawat Katarungan desk at makakasiguro ang publiko na makakarating ito sa opisina ng PACC para mabigyan ng sapat na aksyon.
Katuwang ng PACC sa inilunsad na katarungan desk ang PNP at ang pamunuan ng DOTr.