Publiko, hinimok na ‘wag mag-panic kasunod ng nangyaring panibagong lindol sa Mindanao

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malakanyang na patuloy na nagbabantay ang pamahalaan sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) sa sitwasyon sa Mindanao.

Kasunod ito ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Tulunan, Cotabato ngayong umaga.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador panelo, nagsasagawa na ng assessment sa naitalang pinsala ang lahat ng responsible government agencies at local government units (LGU) upang maibigay sa mga naapektuhang residente ang karampatang rescue at relief operations.


Kaugnay nito’y hinimok ng Palasyo ang publiko na manatiling kalmado at mapagmatyag at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon upang hindi ito magdulot ng panic.

Hinihikayat din sila na bantayan ang mga developments sa pamamagitan ng official alerts at bulletins mula sa pamahalaan.

Facebook Comments