Payo ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy sa publiko na mag-ingat sa mga binibiling murang presyo ng langis o gasolina.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na malimit na smuggled ang mga ito at hindi nakatitiyak kung tamang uri ng produktong petrolyo ang kanilang binili para sa kanilang sasakyan.
Hinimok din ni Abad ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga kinauukulan o mga awtoridad sakaling may madidiskubreng nagbebenta ng mababang presyo ng oil products dahil may karampatan itong kaso.
Ayon sa opisyal na kung marketing purposes, nasa 54 o 55 pesos kada litro ang bentahan nito sa ibang gasolinahan.
Ngunit kung babagsak pa aniya ito sa 40 pesos kada litro, kaduda-duda na aniya ang bentahan at malamang ito ay smuggled.