Justice Secretary Remulla, pinabulaanan ang kumakalat na balita na inatake siya sa puso

Pinabulaanan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inatake ito sa puso at dinala sa ospital.

Ito’y kasunod ng mga kumalat na impormasyon sa social media na nagkaroon ng heart attack ang kalihim at ilang linggo nang nasa ospital.

Ayon kay Remulla, fake news ang kumakalat sa internet patungkol sa kaniyang kalagayan at tiniyak na nasa maayos siyang kondisyon.


Samantala, sinabi naman ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na dapat mag-ingat ang publiko sa fake news at laging tingnan ang kredibilidad ng nagpapakalat ng ganitong uri ng balita.

Facebook Comments