Sa harap ng nalalapit na Kapaskuhan, hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na gumamit ng DTI- Import Commodity Clearance (ICC) verification app.
Ito ay para maiwasang makabili ng substandard o mababang kalidad na produkto na maaring magdulot ng panganib.
Partikular na tinukoy ng DTI ang Christmas lights na may ICC sticker pero hindi tiyak kung ito ay tunay.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, matutukoy ang tunay na ICC sticker sa pamamagitan ng DTI-ICC verification app na nado-download sa internet.
Sa pamamagitan ng nasabing app, maaaring i-scan ang ICC sticker gamit ang cellphone at dito makikita kung saan at sino ang manufacturer ng produkto at iba pang detalye.
Kapag no record ang lumabas, ibig sabihin peke o substandard ang produkto.
Nilinaw rin ng DTI na lahat ng Christmas lights na nabibili sa Pilipinas ay imported kaya’t dapat certified ito ng ICC.