Hinihikayat ni Mayor Isko Moreno ang publiko na irespeto ang desisyon ng Pangulong Duterte na umatras sa kanyang senatorial race.
Ayon kay Mayor Isko, bagama’t nakakagulat ang naging desisyon ng pangulo, dapat daw itong irespeto dahil personal niya itong naging desisyon.
Aniya, nararapat sa ngayon ay magkaroon ng pagkakisa at pagtutulong-tulong sa trabaho sa ilalim ng pamamahala ng pangulong duterte dahil hanggang Hunyo 30 ng susunod ng taon pa naman ito nakaupo sa pwesto.
Sinabi pa ng alkalde na nararapat lang din na suportahan ang mga protekto at programa ng kasalukuyang administrasyon partikular ang ikinakasang National Vaccination Program na naantala dahil sa bagyo.
Sa huli, umaasa si Mayor Isko na makuha nito ang suporta ng Pangulong Duterte at maiboto siya sa Mayo 9, 2021 elections lalo na’t nauna ng umatras si Sen. Bong Go na kilalang malapit sa pangulo.