Publiko, hinimok ni PNP Chief Torre na magtiwala na epektibo ang 911 emergency hotline

Aminado si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na marami pa rin ang hindi naniniwala na gumagana at epektibo ang 911 emergency hotline.

Kaya naman sa flag raising ceremony sa Camp Crame, umapela si Torre sa mga pulis na tulungan siyang i-promote ang 911.

Ani Torre, maganda ang feedback ng mga natulungan na tumawag sa 911.

Kaya naman, nanawagan si Torre sa publiko at sa mismong hanay ng kapulisan na tumulong sa pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa 911 bilang direktang linya sa pulisya.

Ang mabilis na aksyon ng kapulisan ay bahagi ng marching order ni Gen. Torre sa buong hanay ng Pambansang Pulisya upang labanan ang kriminalidad sa bansa.

Facebook Comments