2 Chinese na nagtangkang umalis ng bansa gamit ang pekeng exit clearance, naharang sa NAIA

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Chinese national na dating Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers dahil sa tangka nitong umalis ng bansa gamit ang pekeng emigration exit clearances (ECC).

Ayon sa BI, papasakay na sana patungong Hongkong ang dalawang Chinese na kinilalang sina Yu Ziming, 32 years old, at Wu Liping, 30 years old sakay ng Cathay Pacific.

Dito natuklasan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section na iprenisinta ng dalawang dayuhan ang exit clearance ay pawang mga peke.

Agad namang itinurn-over sa BI Legal Division ang dalawa para sa kahaharaping kaso habang inilipat sila sa Bureau’s Warden Facility habang naka-pending ang deportation proceedings.

Ang ECC ay isang requirements para sa mga foreign national na nagtatrabaho sa Pilipinas at sa mga may nais na pirmanenteng umalis ng bansa.

Facebook Comments