
Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang publiko na makiisa sa kampanya ng Department of Health (DOH) para makontrol ang pagdami ng mga lamok na may dalang dengue.
Sa harap ito ng pagdiriwang ngayon ng Dengue Awareness Month.
Sa kanyang mensahe, nagbabala si VP Sara na walang pinipiling biktima ang lamok, at ito ay nakamamatay.
Kaugnay nito, hinimok ng pangalawang pangulo ang publiko na maglinis sa kapaligiran at gumamit ng mga proteksyon para maiwasang makagat ng lamok.
Hinikayat din ni VP Sara ang mamamayan na lumahok sa mga clean-up drive sa kanilang mga komunidad.
Facebook Comments









