Publiko, inabisuhan ng PPA sa posibleng epekto sa operasyon ng mga pantalan dahil sa community quarantine

Inaabisuhan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang publiko na maaring makaapekto sa operasyon ng mga pantalan ang umiiral na community quarantine sa Metro Manila at localize quarantine sa ilang mga lugar sa bansa na idineklara dahil sa nagpapatuloy na banta na Coronavirus disease o COVID-19.

Ayon sa PPA sa mga susunod na araw ay maaaring maramdaman na ang epekto ng community quarantine sa mga pantalan sa mga sumusunod na lugar tulad ng Bohol, Coron Palawan, El Nido Palawan, Oriental Mindoro, Davao City, Cebu, Batangas, Antique, Capiz, Iloilo, Nasipit Agusan del Norte, Ormoc, Batanes, Siargao, Marinduque, Romblon, Ormoc City, Borongan City, at Puerto Prinsesa.

Sa ngayon sinabi ng PPA na may mga lugar na nagpapatupad na ng matinding screening at quarantine procedure para sa mga nanggaling sa Metro Manila.


Kabilang dito ay ang Negros Occidental, Negros Oriental, Lanqo del Norte, Olangapo Samar, Leyte, Albat at Camarines Sur.

Payo ng PPA sa publiko na kung kinakailangan talagang bumiyahe ay makipag-ugnayan muna sa kinauukulan.

Dagdag pa ng ahensiya, manatili sanang mahinahon ang lahat at huwag katakutan ang proseso o ang paghihigpit na ginagawa sa pantalan dahil ito ay para na din sa kapakanan ng nakararami sa gitna na din ng pangamba sa COVID-19 ng bansa.

Facebook Comments