Umapela sa publiko ang Department of Health (DOH) na huwag maging kampante at panatilihin ang pagsunod sa health protocols.
Bukod pa ito sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga lokal na pamahalaan sa PDITR o Prevent Detect Isolate Treat at Reintegrate strategy ng gobyerno.
Ang babala ng DOH ay sa harap ng unti-unti na namang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa kabilang na ang Metro Manila.
Ayon kay Resident Epidemiologist ng DOH, Dr. Alethea de Guzman, bagama’t maliit lamang ang pagtaas ng kaso ng infections, hindi aniya ito dapat ibalewala.
Kinumpirma rin ni Dr. de Guzman na nag-plateau na ang mga kaso sa maraming bahagi ng bansa subalit kailangan pa rin sumunod ang publiko sa mga pag-iingat.
Facebook Comments