LRT line 2, nagdagdag pa ng bike racks sa ilang mga piling istasyon

15

Dahil dumarami na ang mga nagbibisikleta ay nagdagdag pa ang pamunuan ng Light Rail Transit o LRT Line 2 ng bike racks.

Ang mga dagdag na bike racks ay inilagay sa mga easy-to-access area sa mga piling istasyon ng LRT Line 2.


Kabilang dito ang Santolan, Katipunan, at Anonas stations.

May bike racks na rin sa mga istasyon ng Betty Go-Belmonte, Gilmore, J. Ruiz, V. Mapa, Pureza, at Legarda.

Maaaring gamitin ang mga bike rack mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi na may palugit hanggang alas-10 ng gabi upang makuha ng mga commuter ang kanilang bike.

Facebook Comments