Publiko, may karapatang malaman ang vaccine deals – Galvez

Iginiit ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na may karapatan ang publiko na malaman ang detalye ng lahat ng kasunduang pinasok ng gobyerno mula sa mga iba’t ibang manufacturers para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ito ang kanyang pahayag sa gitna ng mga kritisismo hinggil sa hindi paglalahad ng detalye ng vaccine negotiations, kabilang ang presyo ng ilang vaccine brands.

Ayon kay Galvez, sinusunod ng pamahalaan ang prinsipyo ng transparency at accountability sa lahat ng kanilang transactions lalo na sa pag-aangkat ng bakuna.


Pero binigyang diin ni Galvez na sa lahat ng procurement negotiations, kailangan talagang lumagda sa Confidentiality Disclosure Agreement para mapigilan ang mga isyu na makasisira sa interes ng mga vaccine manufactures at ng bansa.

Layunin ng CDA na protektahan ang medical trade secrets, special prices na ibinigay sa isang partikular na bansa at timeline ng bakuna.

Ilalabas ang detalye ng mga negosasyon kabilang ang presyo kapag naisapinal na ito at nagkasundo ang magkabilang partido.

Facebook Comments