Manila, Philippines – Pinayuhan ngayon ng mga doktor ang publiko na magpipinetensya sa Mahal na Araw na mag-ingat sa inspeksyon.
Ayon kay Dra. Katha Ngo, Internal Medicine – Infectious Diseases ng Manila Med, dapat na kumpleto sa bakuna laban sa tetano ang sinumang magpipinetensya o magpapapako sa krus.
Maaari kasi silang makakuha ng mga sugat, hepatitis B at tetanus infection dahil dito na posible pang mauwi sa komplikasyon.
Agad din aniyang magpasuri sa doktor oras na magkalagnat, mamaga ang sugat at magkaroon ng nana.
Facebook Comments