Publiko na papasok sa Cauayan City, Inaabisuhan ang pagsusuot ng face shield; No QR Code, No Entry Policy sa siyudad

Cauayan City, Isabela- Inaabisuhan ang publiko sa lahat ng papasok sa Lungsod ng Cauayan na mas mahigpit na ipapatupad ang ilang direktiba gaya ng pagsusuot ng face shield maliban sa suot na face mask.

Ayon kay PLT. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station, nagsimula ng mag-ikot ang kanilang pwersa sa lahat ng entry point sa siyudad bilang paghahanda sa mas mahigpit na pagbabantay sa lahat ng nagbabalak pumasok sa lungsod.

Aniya, kinakailangan lang kooperasyon ng publiko para sa mas payapa na pagpapatupad ng kautusan at bilang tugon na rin sa dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus.


Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na hindi kinakailangan na basta magsuot ng mga improvised face shield gaya ng kumakalat sa social media.

Maliban dito, asahan din ang pagpapatupad sa ‘NO QR CODE, NO ENTRY POLICY’ sa lungsod.

Ngayong hapon, inaasahang magbibigay ng pahayag sa publiko si City Mayor Bernard Dy sa pagpapatupad ng nasabing mga pagbabago sa pagpasok sa lungsod.

Facebook Comments