Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa patuloy na suporta ng mga Pilipino sa kanyang pamamahala sa bansa.
Ito ang reaksyon ni Pangulong Marcos sa pinakahuling survey ng Publicus Asia kung saan tumaas pa sa 62 percent mula 60 percent ang kanyang approval rating.
Sa ambush interview, sinabi ng presidente na naniniwala siyang ang ganitong mga development ay resulta ng pagkakaisa at pagkakaunawaan.
Aniya, kung nakikita ng mga tao na nasa tamang direksyon ang ekonomiya, ito ay dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor.
Nakikita rin daw ng publiko ang mga ginagawa ng gobyerno para mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Sinabi ni Pangulong Marcos, layunin talaga ng gobyerno na mapaunlad ang ekonomiya para makalikha ng maraming trabaho at mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino.