Publiko, pinag-iingat kontra sa panibagong scam o vishing’- BSP

Pinagiingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa panibagong pamamaraan ng mga kawatan upang manlinlang at magnakaw ng personal o bank information.

Ito’y maaring sa tawag sa telepono o cellphone, automated voice recording, o Voice over Internet Protocol (VoIP).

Ayon sa BSP, dapat ay maging alerto ang publiko kung ang tumatawag sa ay nagsasabing siya ay nagtatrabaho sa isang kompanya o financial institution at minamadali ang inyong desisyon o aksyon sa kanilang instructions.


Ang ganitong uri ng scam ay tinatawag na‘vishing’ o isang uri ng social engineering attack na nangangalap ng impormasyon upang magkaroon ng access partikular na sa bank account ng mga biktima ng mga ito.

Dagdag pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas na agad i-report sa mga official channels ng inyong bangko kung nakumpromiso ang inyong account, credit card o ang personal na impormasyon.

Facebook Comments