Publiko, pinag-iingat ng BSP sa pagkakat ng pekeng pera

Nagbabala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay ng pagkalat ng mga pekeng banknotes.

Kaugnay nito, pinayuhan ng BSP ang publiko na suriing mabuti ang banknotes maging ang inilalabas mula sa ATM.

Dapat anilang mag-report agad sa bangko ang sinumang makakakuha ng kaduda-duda o pekeng banknotes mula sa ATM.


Tiniyak din ng BSP na agad nila itong iimbestigahan para malaman kung talagang galing sa makina ang pekeng pera.

Sa ilalim ng BSP Circular No. 829, Series of 2014, ang mga bangko ay obligadong isumite sa BSP ang mga kahina-hinalang banknotes para sa kaukulang eksaminasyon.

Facebook Comments