Publiko, pinag-iingat ng Comelec sa pekeng FB account

Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na mag-ingat sa mga pekeng account sa Facebook.

Pahayag ito ng Comelec matapos kumalat sa social media ang pekeng account na nagngangalang Malayang Halalan 2025.

Ayon sa Comelec, hindi pagmamay-ari at hindi konektado sa kanilang hanay ang naturang account.


Payo pa ng Comelec, para makasiguro na tama at wasto ang impormasyon, may kaugnayan sa halalan sa bansa, hanapin ang kulay asul na verified badge ng Facebook sa tabi ng pangalan ng Comelec.

Ilan sa mga post ng pekeng account ang umano’y balasahan ng mga opisyal ng Comelec, at ang paglulunsad ng Pusong Pinoy Magpakailanman.

Nakasaad pa sa pekeng account na isa siyang election officer ng Comelec at nag-aral sa Del La Salle University at University of Sto. Thomas.

Facebook Comments