Publiko, pinag-iingat ng DILG laban sa sunog

Hinimok na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang publiko na maging mapagbantay laban sa sunog.

Hiningi ng kalihim ang kooperasyon ng publiko kasunod ng naitalang 94 fire incidents sa loob lang ng apat na araw ng Fire Prevention Month ngayong Marso.

Base sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), mula Marso 1 hanggang 4 ay higit ₱ 20.4 million halaga na ng pinsala sa ari-arian ang natupok sa sunog at pito katao ang namatay sa buong bansa.


Mula Enero 1 hanggang Marso 4, ngayong taon ay nasa 2,181 fire incidents na ang naitala sa buong bansa.

Facebook Comments