Publiko, pinag-iingat ng Malacañang sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ni Pangulong Duterte at ibang tanggapan ng pamahalaan para makapangikil o makahingi ng suporta

Manila, Philippines – Binalaan ng Palasyo ng Malacañang ang publiko laban sa mga indibidwal na ginagamit ang Pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte, Office of the President at ang Office of the Presidential Communications Operations Office o ang PCOO sa panghihingi ng pera o kung anomang suporta.

Ayon sa tanggapan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, mayroon silang natanggap na report kung saan ginagamit ang pangalan ni Pangulong Duterte at ang liham ay may letterhead ng PCOO na para umano sa Survey Scanner Report sa General Santos City.

Hindi anila ito gagawin ng Administrasyon dahil malinaw naman na ito ay ipinagbabawal ng batas batay sa Republic Act Number 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.


Hinikayat naman ng PCOO ang publiko na agad na isumbong sa mga kinauukulan o sa kanilang tanggapan ang ganitong mga insidente, maaari anila itong itawag sa Office of the Undersecretary for Legal Affairs na may numerong ‎733-3624.

Facebook Comments