Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng pamunuan ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administrationo PAGASA ang publiko na palagiang magdala ng payong at tubig itoy makaraang pormal nang ideklara ang pagtatapos ng North East Monsoon o Amihanat opisyal na pagsisimula ng Dry season o tag-araw.
Sinabi ni Dr. Vicente Malanao, administrator ng PAGASA,ang naranasang amihan sa Northern at Central Luzon noong mga nakaraang araw ayhumina na at hindi na ito nakakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.
Base sa analysis ng PAGASA, nakakuha na sila ng mga numericalmodel outputs kung saan nagkakaroon na ng North Pacific High Pressure Areanitong weekend.
Sinabi ni Malanao na lalo pang tumaas ang panahon ngtag-init dahil sa itinatakbo ng hangin para mawala ang epekto ng amihan.
Subalit patuloy pa rin umanong makakaranas ng pulo-pulongpag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa mga pagkulog at pagkidlat dulot ngEasterlies particular na sa Silangan.
Mayroon din anyang pag-ulan sa Katimugang bahagi ng bansadulot naman ng Inter Tropical Convergence Zone.
Dahil sa matinding nararanasang tag-init pinayuhan ngPAGASA ang publiko na mag-ingat at huwag kalimutang magdala ng pananggalang sainit gaya ng payong at sumbrero at palagiang magdala rin ng tubig sa inyong mga bag.
Publiko, pinag-iingat ng PAGASA sa matinding nararanasang init
Facebook Comments