Nakiusap ang Malacañang sa publiko na maghinay-hinay sa pagkokomento sa mga litratong umano’y nagkaroon ng paglabag sa quarantine violations.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos umani ng batikos sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Celebrity na si Tim Yap dahil sa isinagawang party na labag sa mass gathering protocols.
Pagtitiyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na patas na umiiral ang batas para sa lahat.
Dapat tingnan ng publiko ang lahat ng factors bago akusahan ang gobyerno na hinahayaan lang ang mga mayayaman at government officials na lumabag sa quarantine measures.
Iginiit ni Roque na walang pinapaboran ang pamahalaan na kahit sino.
Matatandaang isa sa mga nabatikos noong Hulyo 2020 si Roque dahil sa paglabag umano nito sa quarantine protocols dahil sa pagbisita niya sa isang marine adventure park.
Bukod dito, pinuna rin si Roque noon dahil sa pagka-karaoke niya habang ang ibang bansa ay sinasalanta na ng bagyo.
Binanatan din si Roque matapos imbitahan maging speaker sa madla sa Bantayan, Cebu.
Noong Mayo, si PNP Chief Police General Debold Sinas ay hindi nakatakas na mainit na mata ng publiko dahil sa paglabag sa quarantine protocols dahil sa isinagawang mañanita para sa kanyang kaarawan.