Publiko, pinaghahanda sa dark era na dala ng batas militar

Manila, Philippines – Pinaghahanda ng isang mambabatas ang buong bansa dahil sa mahaharap sa madilim na kabanata ang sambayanan matapos ang naging desisyon ng Supreme Court na katigan ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, isa sa petitioner ng martial law, nahaharap na sa dark era ang bansa lalo na ang mga kababaihan dahil sa pagsuporta ng tatlong sangay ng pamahalaan sa batas militar.

Ang martial law sa Mindanao ay magdudulot lamang ng lalong pagkasira ng Marawi City at madaragdagan pa ang mga paglabag sa karapatang pantao.


Lalo lamang din na magpapalakas ito sa militar para makapagsagawa ng aerial strikes at walang habas na pagpapaputok ng baril kung saan may mga sibilyan na nadadamay.

Ang desisyon aniya ng Korte Suprema ay posibleng lumawak pa sa buong bansa base na rin sa nangyayari sa Mindanao kung saan sa Marawi lamang ang kaguluhan pero buong rehiyon ang ipinasakop sa batas militar.

Facebook Comments