Publiko, pinaiiwas ng DOH sa pagtitipon sa nalalapit na Chinese New Year

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan muna ang mga pagtitipon sa nalalapit na Chinese New Year.

Sa harap ito ng mataas pa rin na kaso ng Omicron variant sa bansa.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, posibleng sa katapusan ng Enero o sa kalagitnaan ng Pebrero maranasan ng bansa ang peak o rurok ng COVID-19 cases.


Kontra rin ang DOH sa planong pagluluwag sa restrictions sa susunod na buwan.

Sinabi ni Vergeire na masyado pang maaga para ipatupad ang Alert Level 2 sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Facebook Comments