PERSONA-NON-GRATA LABAN SA NPA,IDINEKLARA SA BUONG REGION 2

30
Cauayan City, Isabela- Idineklarang Persona-Non-Grata ang lahat ng kasapi sa New People’s Army sa buong lambak ng Cagayan.

Inihayag ni 5ID Commander MGen. Laurence Mina sa mga miyembro ng Joint Regional Task Force-End Local Communist Armed Conflict (JRTF-ELCAC) na gising na ang publiko mula sa panlilinlang ng makakaliwang grupo.

Ayon pa sa heneral, isang napakagandang simula para sa taong 2022, kung saan nagkaisa ang mga tao at ang gobyerno para labanan ang mga maling gawain ng makakaliwang grupo.

Kaugnay nito, suportado naman ng DILG Region 2 na siyang tumatayong secretariat ng RTF-ELCAC ang datos kung saan nagsagawa ng seminar tungkol sa Local Peace Engagement kaya’t nakamit ang 100% na pagdedeklara ng Persona-non-Grata.

Samantala, kinilala ni MGen. Mina ang aktibong partisipasyon ng lahat ng mga ahensyang kinauukulan at ng mga mamamayan ng rehiyon dos sa pagwawakas sa armadong labanan ng komunista.

Malapit na aniya ang pagbagsak ng NPA Terrorist sa rehiyon habang papalapit na ang anibersaryo matapos mawalan ng suporta mula sa mga mamamayan at ang pagbabalik loob sa pamahalaan ng dating mga miyembro nito.

Facebook Comments